Sponsored

Pagkakaiba ng C-Section At Normal Delivery Na Dapat Malaman Ng Kababaihan



Ang panganganak ay isang himala ng buhay at merong dalawang paraan kung paano lumabas ang mga sanggol sa mundong ito. maging normal delivery o cesarean section. Ang mga ito ay pinipili ng doktoy ayon sa kalusugan ng nanay at sanggol at ang pinakamahalaga dito ay ang maayos at ligtas na paglabas ng sanggol sa sinapupunan ng nanay.



VAGINAL BIRTH

PROS PARA SA NANAY:

Sa isang psychological standpoint, ang mga babae na dumaan sa isang normal vaginal delivery ay sinasabing may mas positibong karanasan sa pagsilang ng kanilang anak. Ang sabi ng mga kababaihan na dumaan sa vaginal delivery ay mas pinapalakas nito ang kanilang loob bilang isang ina dahil mas naging aktibo sila sa proseso ng panganganak. Mas maikli din ang recovery time nila kompara ng nasa C-section. Mas napapabilis din ang bonding process ng sanggol sa ina nito dahil agad-agad na nilalagay ito sa tabi ng kanyang nanay.

PROS PARA SA SANGGOL:

Mas mabilis ang bonding process sa ina.

Mas mababa din ang posibilidad na magkaroon ng problema sa baga ang sanggol dahil sa masikip na paglabas nito ay naalis ang mga fluids sa baga nito. Pinapalakas din ang immune system nila dahil sa maagang exposure nila sa bacteria habang dumadaan ito sa birth canal ng nanay.

CONS PARA SA INA:

Minsan ay masyadong stressful ang vaginal delivery at hindi palaging tiyak kung gaano ito katagal.

CONS PARA SA SANGGOL:

Kapag ang babae ay nakaranas ng mahabang labor o ang sanggol ay malaki maaari itong masaktan sa birthing process tulad ng bruised scalp o fractured collarbone ayon sa Stanford School of Medicine.

C-SECTION

PROS PARA SA NANAY:

Walang masyadong advantage ang C-section sa vaginal delivery maliban sa mas magiging planado ito at less stressful sa nanay.

CONS PARA SA NANAY:

Ang babae na dumaan sa C-section ay karaniwang matagal sa hospital, 2-4 araw average kompara sa mga babae na dumaan sa vaginal delivery. Tumataas din ang panganib na makaranas ng matagal pananakit ng incision pagkatapos lumabas ang sanggol.

Dahil ang nanay ay inooperahan, mas malaki ang tsansa ng blood loss at impeksyon. Ang bowel at bladder ay maaaring masaktan sa operasyon at bumuo ang dugo.

Isang pag-aaral ang nakatuklas na ang mga babae na dumaan sa C-section ay mas magatal mag-breastfeed kesa sa dumaan sa vagina birth.

Ang recovery perion din pagkatapos lumabas ang sanggol ay mas matagal dahil masakit ang abominal nerves at muscle na nasa paligid ng surgical scar. Maaari itong magtagal ng 2 buwan.

Ang mga babae ay 3 beses mas malaki ang posibilidad na mamatay sa Cesarean delivery dahil sa pamumuo ng dugo o blood clots, impeksyon at komplikasyon dahil sa anesthesia, ayon sa isang pag-aaral ng French.

Kapag dumaan sa una niyang C-section ang nanay ay maaaring C-section na rin ang mga susunod niya na deliveries. Mas mataas din ang posibilidad ng pregnancy complications tulad ng uterine rupture kapag bumuka ang C-section scar sa kanyang uterus at placenta abnormalities. Ang panganib ng pagkakaroon ng problema sa placenta ay tumataas habang sunod-sunod ang C-section na ginagawa sa nanay.

CONS PARA SA SANGGOL:

Ang ilang sanggol ay nagkakaroon ng respiratory problems dahil sa C-section delivery. Ang ilang doktor ay nagsabi na maaaring magdulot din ito ng komplikasyon dahil sa anesthesia at maaari ding masugatan ang sanggol habang nasa operasyon. Mababa lamang ang mga posibilidad na mangyari ito pero dapat pa rin itong malaman ng mga nanay.

SHARE THIS ARTICLE
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Daily News Viral Online

© Daily News Viral Online

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Daily News Viral Online. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

No comments:

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();
Powered by Blogger.