Sponsored

Isang Kasambahay Ang Minamata at Inaalipusta ng Sariling niyang Kamag-anak pero Ngayon ay Nagtagumpay at mas Mataas pa sa Kanila




Isa sa pitong magkakapatid si Candy na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa Metro Manila. Labing-apat na taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke at kung anu-ano pa.



Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula nang pumisan sa kanila si Candy. Ang panganay na si Ednalyn, gayong dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si Candy pa ang naglalaba. Ang tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging pasigaw o pagalit.



Kapag naglilinis ng sahig si Candy ay di man lamang mag-alis ng sapatos ang mga pinsan kapag dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan sa harapan ng nakaluhod at nakayukong dalaga na nagpapahid ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong kay Candy at pasigaw na

“O, labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!
Image courtesy of www.google.com

Bakasyon noon.

Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Candy: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat pa mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng mga ito.

Si Candy ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na kaibigan ang mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.

Sa hapag kainan, si Candy ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging huli, gayong mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon lang ang makakain niya. Apat na beses sa isang linggo ay tinapang isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Candy. Iyon ang laging itinitira sa kanya ng tiyahin.

Sa murang katawan ni Candy, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay hindi niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa Pasig High School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo. Wala siyang pocket-money, walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng bahay, kahit pagod at gutom, kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo bago siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.

“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo!”

Dalawang taon nanirahan at nanilbihan si Candy sa tiyahin. Nang makatapos ng high school ay kinuha siya ng kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-aaral si Candy, naging academic scholar at nagtapos ng edukasyon nang may karangalan – Magna cum laude. Muli siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos niya at naging Doctor of Education. Nakapag-asawa siya ng isang abogado.




Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Candy. Isa na siyang milyonarya at maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na kabiyak.

Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at respetadong tao sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din ang buhay.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
Disclaimer: Photos are for illustration purposes only.

SHARE THIS ARTICLE
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Daily News Viral Online

© Daily News Viral Online

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Daily News Viral Online. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

No comments:

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();
Powered by Blogger.