Sponsored

Nag-Reunion Ang Mga Magkakaklase Nang May Dumating Na Babaeng Ubod Ng Yaman Ito Pala Ang Tinatawag Nilang Bobo Noon



Napahiya ang Lahat sa Isang High School Reunion nang Dumating ang Pinakamayaman sa Kanilang Lahat, Ito ang Kaklaseng Tinatawag Nilang Bobo Noon

Nakaismid na tumaas ng kamay si Earl Rose, alam niya naman kasi na siya na naman ang nakakuha ng tamang sagot. Siya ang pinakamatalino sa klase, palaging may pinakamataas na score sa lahat ng exam at hindi nawawala sa top, sa katunayan ay lagi siyang top 1. Gayunpaman ay may masamang ugali ang dalagita, mapagmataas siya. Hilig niyang ipahiya ang mga kaklaseng hindi ganoon kagaling.



“An algebraic expression consists of a group of terms separated by operators, which are either plus signs or minus signs. A term is either a number by itself, which is called a constant, a variable by itself or a number multiplied by a variable.” taas noo niyang sabi.



“Very good Ms. Danay!” sabi ng guro.

Umupo ang dalaga at nilingon ang mga katabi, kitang kita niya ang paghanga sa mata ng mga ito. Natanaw niya rin ang nag iisang estudyante sa dulo, si Chardine. Alam niyang nanginginig na naman ito, mahina kasi ang ulo ng kaklase. Tuwing recitation ay nakatungo lang sa takot na matawag.

Tila nananadya naman na nagsalita si Earl Rose, “Ma’am, I think Chardine wants to add something sa definition ko.”

Lumingon naman dito ang guro, kahit na alam na wala siyang mahihita kay Chardine. Favorite kasi nito si Earl Rose kaya pinapaboran ang dalaga.


“Ms. Bagawa, you have something to say?” tanong niya sa dalagitang nakatungo, ito ang tipong latak ng klase. Marumi ang blouse at gusot ang buhok. Nakakahiya itong ilagay sa unahan lalo na kung may bisita sa eskwelahan nila.

“M-ma-am, algebra is..” hindi maituloy ng dalaga ang pagsasalita dahil wala naman siyang sasabihin, ewan niya ba. Nakikinig naman siya at pinipilit niya naman pero talagang hindi niya maunawaan, siguro dahil na rin napangunahan na siya ng lahat na isa siyang bobo.

“Oh my God, you don’t even remember kahit yung last words na sinabi ni Earl?” sabi ng teacher sa estudyante. Nagtawanan ang lahat, walang nagawa ang dalagita kung hindi umupo at tumungo dahil sa pagkapahiya.

Makalipas ang ilang taon.



Isinuot ni Earl Rose ang berdeng Tshirt na may nakatatak na 25 Years na Kami, ngayon kasi ang kanilang High School Reunion, excited na siyang makita ang mga kaklase. Napapailing na lang siya kapag naaalala ang mga ito, siguro ay wala silang narating, sa isip isip niya.

Siya, isa nang office staff sa isang malaking kumpanya. Maganda ang sahod at nakakita na rin siya ng sariling bahay na hinuhulugan ngayon.

Pagkatapos mag ayos ay sumakay na siya sa tricycle papunta sa eskwela, sabik na sabik na siya sa mangyayari.



“Nako, ang gaganda naman ng Tshirt natin! Salamat sa malaking budget na ibinigay ng isa nating ka-batch na taga Europe. Maiba tayo, naaalala ninyo pa ba ang nagtitinda ng santol sa tapat ng school noon? Nandiyan pa rin siya ngayon. Si Aling Esther, parang kahapon lang ang lahat.” sabi ng host.

Hindi masyadong pinakikinggan ni Earl Rose ang programa dahil inaabangan niya ang iba pang kaklase, sigurado siyang miserable na ang mga ito ngayon, mahihina kasi ang ulo.

Sina Cynthia, Erna, Marilyn, Chardine, ilan lang ang mga iyan sa naaalala niyang pinaka-tanga.

Maya maya pa ay may tinawag ang host, isa sa mga ka-batch nila na nagsilbing pride daw ng eskwelahan. Ako? bigla niyang naisip dahil siya lang naman ang madalas na ilaban noon sa mga contest.

“Magugulat kayo, pero siya ang nagbigay ng pinakamalaking part ng budget dito. Vice President, Multi Function Manager sa isang company sa Europe na umuwi lang para makasama tayo ngayon, oh my Gosh, you are very pretty…” pagpapahaba ng host.

Sino? Imposibleng may makarating sa Europe dahil puro naman sila tanga. sa isip isip pa rin ni Earl Rose.




“Chardine Bagawa!” tawag ng host dito na sinundan ng palakpakan ng mga tao. Nagsalita si Chardine.

“Hello, nagpunta ako kasi gusto kong Makita ulit kayo dito sa Pinas. Sana, batchmates wag tayong susuko sa buhay. Kung tutuusin, noong nasa high school tayo maniwala man kayo o hindi ay maituturing akong isa sa mga pinakamahina sa klase. Pero ang tagumpay ay hindi nasusukat kung ano ka sa eskwela, ang tagumpay ay nasusukat sa kung ano ang marating mo pagkatapos ng eskwela.” bumaba na ito sa stage.

Ayon sa bulung-bulungan ay pag-aari rin pala ng babae ang magarbong kotse sa labas.




Para namang sinampal si Earl Rose, doon niya na-realize na hindi pala siya ang pinakamagaling sa lahat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.

SHARE THIS ARTICLE
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Daily News Viral Online

© Daily News Viral Online

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Daily News Viral Online. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...

No comments:

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();
Powered by Blogger.